Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 3

وَلَوْلَا أَنْ كَتَبَ اللَّهُ عَلَيْهِمُ الْجَلَاءَ لَعَذَّبَهُمْ فِي الدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابُ النَّارِ 3 ٣

Kung sakaling hindi nagtakda si Allāh sa kanila ng paglayas ay talaga sanang pinagdusa Niya sila sa Mundo. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Apoy. (3)

Tafsīr
Kung sakaling si Allāh ay hindi nagtakda sa kanila ng pagpapalisan sa kanila mula sa mga tahanan nila ay talaga sanang pinagdusa Niya sila sa Mundo sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Apoy, na maghihintay sa kanila bilang mga mananatili roon magpakailanman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba