Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 9

وَالَّذِينَ تَبَوَّءُوا الدَّارَ وَالْإِيمَانَ مِنْ قَبْلِهِمْ يُحِبُّونَ مَنْ هَاجَرَ إِلَيْهِمْ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمْ حَاجَةً مِمَّا أُوتُوا وَيُؤْثِرُونَ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ وَلَوْ كَانَ بِهِمْ خَصَاصَةٌ ۚ وَمَنْ يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ 9 ٩

Ang mga namalagi sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya bago pa ng mga iyon ay umiibig sa sinumang lumikas kanila, hindi nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon, at nagtatangi [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang ipinagsasanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay [sa landas nila]. (9)

Tafsīr
Ang mga Tagapag-adya na nanirahan sa Madīnah bago pa man ng mga Lumikas at pumili sa pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila mula sa Makkah. Hindi sila nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang ngitngit ni isang pagkainggit sa mga Lumikas sa landas ni Allāh nang binigyan ang mga iyon ng anuman mula sa nakumpiska samantalang hindi sila mismo nabigyan. Inuuna nila ang mga Lumikas higit sa mga sarili nila sa mga bahaging pangmundo, kahit pa man sila ay mga mailalarawan sa karalitaan at pangangailangan. Ang sinumang ipinagsanggalang ni Allāh sa kasigasigan ng sarili niya sa yaman, kaya naman nagkakaloob ito sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo ng inaasahan nila at ng kaligtasan sa pinangingilabutan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba