Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 104)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
May dumating nga sa inyo na mga hayag na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang nakakita [sa patunay] ay para sa sarili niya [ang pakinabang]; at ang sinumang nabulagan [sa patunay] ay laban dito [ang pinsala]. Hindi ako sa inyo isang mapag-ingat. (104)
Tafsīr
May dumating nga sa inyo, O mga tao, na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag mula sa Panginoon ninyo. Kaya naman ang sinumang nagpakaunawa at nagpahinuhod sa mga ito, ang pakinabang doon ay manunumbalik sa kanya; at ang sinumang nabulagan sa mga ito, hindi nagpakaunawa sa mga ito, at hindi nagpahinuhod sa mga ito, ang pinsala niyon ay nalilimitahan sa kanya. Hindi ako sa inyo isang mapagmasid, na umiisa-isa sa mga gawa ninyo. Ako ay isang sugo lamang mula sa Panginoon ko, ang Mapagmasid sa inyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: