Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 105)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 105

وَكَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ وَلِيَقُولُوا دَرَسْتَ وَلِنُبَيِّنَهُ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ 105 ١٠٥

Gayon Kami nagsasarisari ng mga talata at upang magsabi sila na nag-aral ka at upang maglinaw ka nito para sa mga taong umaalam [sa katotohanan]. (105)

Tafsīr
Kung paanong nag-uri-uri ng mga patunay at mga patotoo sa kakayahan ni Allāh, nag-uuri-uri ng mga talata hinggil sa pangako, banta, at pangaral. Magsasabi ang mga tagapagtambal: "Hindi ito isang pagkakasi; nag-aral ka lamang nito buhat sa mga May Kasulatan mula sa nauna sa iyo." Ito ay upang linawin Namin ang katotohanan sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasarisari Namin ng mga talatang ito para sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sapagkat sila ay ang mga tumatanggap sa katotohanan at sumusunod dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba