Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 111)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kahit pa Kami ay nagbaba sa kanila ng mga anghel, kumausap sa kanila ang mga patay, at kumalap sa kanila ng bawat bagay nang harapan, hindi sila naging ukol na sumampalataya maliban na niloob ni Allāh, subalit ang higit na marami sa kanila ay nagpapakamangmang. (111)
Tafsīr
Kahit pa Kami ay sumagot sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng iminungkahi nila saka nagbaba Kami sa kanila ng mga anghel at nakasaksi sila sa mga ito, kumausap sa kanila ang mga patay at nagpabatid ang mga ito sa kanila hinggil sa katapatan mo sa inihatid mo, at nagtipon Kami para sa kanila ng bawat bagay mula sa iminungkahi nila na haharapin nila nang mata sa mata, hindi sila naging ukol sumampalataya sa inihatid mo, maliban sa sinumang niloob Namin para rito ang kapatnubayan kabilang sa kanila. Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya hindi sila dumudulog kay Allāh para magtuon Siya sa kanila para sa kapatnubayan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: