Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 114)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 114

أَفَغَيْرَ اللَّهِ أَبْتَغِي حَكَمًا وَهُوَ الَّذِي أَنْزَلَ إِلَيْكُمُ الْكِتَابَ مُفَصَّلًا ۚ وَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْلَمُونَ أَنَّهُ مُنَزَّلٌ مِنْ رَبِّكَ بِالْحَقِّ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُمْتَرِينَ 114 ١١٤

Kaya sa iba pa ba kay Allāh maghahangad ako ng isang hukom samantalang Siya ay ang nagpababa sa inyo ng Aklat bilang dinidetalye? Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakaaalam na ito ay ibinaba mula sa Panginoon mo sa katotohanan kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtaltalan. (114)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na sumasamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Maiisip ba na tumanggap ako ng iba pa kay Allāh bilang hukom sa pagitan ko at ninyo? Si Allāh ay ang nagpababa sa inyo ng Qur'ān bilang tagapaglinaw na tagalubos para sa bawat bagay." Ang mga Hudyong binigyan Namin ng Torah at ang mga Kristiyanong binigyan Namin ng Ebanghelyo ay nakaaalam na ang Qur'ān ay ibinaba sa iyo na naglalaman ng katotohanan, dahil nakatagpo sila sa mga kasulatan nila ng patunay roon. Kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagdududa sa ikinasi Namin sa iyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba