Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 122)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang sinumang noon ay patay [sa pananampalataya] saka bumuhay Kami sa kanya [sa pananampalataya] at naglagay Kami sa kanya ng isang liwanag [ng kapatnubayan] na naglalakad siya sa pamamagitan nito sa mga tao ay gaya ba ng sinumang ang paghahalintulad sa kanya ay nasa mga kadiliman, na hindi lalabas mula sa mga ito? Gayon ipinaakit para sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa. (122)
Tafsīr
Ang tao na bago ng kapatnubayan ni Allāh sa kanya ay isang patay dahil sa taglay niyang kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway saka binuhay siya ni Allāh sa pamamagitan ng kapatnubayan sa kanya sa pananampalataya, kaalaman, at pagtalima, ay nakapapantay ba ng taong nasa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway, na hindi niya nakakakaya ang paglabas mula sa mga ito, na nakalito sa kanya ang mga daan, at dumilim sa kanya ang mga tinatahak? Kung paanong pinaganda sa mga tagapagtambal na ito ang ginagawa nila na shirk, pagkain ng maytah, at pakikipagtalo sa pamamagitan ng kabulaanan, pinaganda sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa na mga pagsuway upang gantihan sila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusang masakit.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: