Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 124)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag may dumating sa kanila na isang tanda ay nagsasabi sila: “Hindi kami sasampalataya hanggang sa bigyan kami ng tulad sa ibinigay sa mga sugo ni Allāh.” Si Allāh ay higit na maalam kung saan Siya maglalagay ng pasugo Niya. May tatama sa mga nagpakasalarin na isang pagmamaliit sa ganang Allāh at isang pagdurusang sukdulan dahil sa sila noon ay nagpapakana. (124)
Tafsīr
Kapag dumating sa mga malaking tao ng mga tagatangging sumampalataya ang isa sa mga tanda na ibinaba ni Allāh sa Propeta Niya ay nagsasabi sila: "Hindi kami sasampalataya hanggang sa magbigay sa amin si Allāh ng tulad sa ibinigay Niya sa mga propeta na pagkapropeta at pagkasugo." Kaya tumugon si Allāh sa kanila na Siya ay higit na maalam sa kung sino ang naaangkop sa pagkasugo at pagsasagawa sa mga tungkulin nito para itangi Niya ito sa pagkapropeta at pagkasugo. Magtatamo ang mga maniniil na ito ng isang kaabahan, isang panghahamak dahil sa pagkamapagmalaki nila, at isang pagdurusang matindi dahilan sa panlalansi nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: