Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 128)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] ang araw na kakalap Siya sa kanila nang lahatan: “O umpukan ng jinn, nagparami nga kayo [ng pagliligaw] sa tao at jinn.” Magsasabi ang mga katangkilik nila kabilang sa tao: “Panginoon namin, nagtamasa ang ilan sa amin sa iba pa at umabot kami sa taning na itinaning Mo para sa amin.” Magsasabi Siya: “Ang Apoy ay tuluyan ninyo bilang mga mananatili roon, maliban sa niloob ni Allāh. Tunay na ang Panginoon mo ay Marunong, Maalam. (128)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na kakalap si Allāh sa dalawang pangunahing nilikha: ang tao at ang jinn. Pagkatapos magsasabi si Allāh: "O umpukan ng jinn, nagparami nga kayo ng pagliligaw sa tao at pagbalakid sa kanila sa landas ni Allāh." Magsasabi ang mga tagasunod nila kabilang sa tao habang mga sumasagot sa Panginoon nila: "O Panginoon namin, nagtamasa ang bawat isa kabilang sa amin sa kasamahan niya sapagkat ang jinn ay nagtamasa sa pagtalima ng tao sa kanya at ang tao ay nagtamasa sa pagkamit niya ng mga nasa niya. Umabot sa amin ang taning na itinaning Mo para sa amin sapagkat ito ay Araw ng Pagbangon." Magsasabi si Allāh: "Ang Apoy ay pagtitigilan ninyo bilang mga mananatili roon, maliban sa niloob ni Allāh na isang sukat ng yugto sa pagitan ng pinagbuhayan sa kanila mula sa mga libingan nila hanggang sa kahahantungan nila sa Impiyerno sapagkat iyon ang yugtong hindi isinama ni Allāh sa pananatili nila sa Apoy." Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Marunong sa pagtatakda Niya at pangangasiwa Niya, Maalam sa mga lingkod Niya hinggil sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa kanila sa pagdurusa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: