Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 133)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 133

وَرَبُّكَ الْغَنِيُّ ذُو الرَّحْمَةِ ۚ إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَسْتَخْلِفْ مِنْ بَعْدِكُمْ مَا يَشَاءُ كَمَا أَنْشَأَكُمْ مِنْ ذُرِّيَّةِ قَوْمٍ آخَرِينَ 133 ١٣٣

Ang Panginoon mo ay ang Walang-pangangailangan, ang May Awa. Kung loloobin Niya ay mag-aalis Siya sa inyo at magtatalaga Siya bilang kahalili, matapos na ninyo, ng loloobin Niya kung paanong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa mga supling ng mga ibang tao. (133)

Tafsīr
Ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya kaya hindi Siya nangangailangan sa kanila ni sa pagsamba nila. Hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya nila. Sa kabila ng kawalang-pangangailangan Niya sa kanila, Siya ay May Awa sa kanila. Kung loloobin Niya ang pagpapahamak sa inyo, O mga taong sumusuway, ay lilipulin Niya kayo sa pamamagitan ng isang parusang mula sa ganang Kanya at paiiralin Niya matapos ng pagpapahamak sa inyo ang sinumang loloobin Niya kabilang sa mga sumasampalataya sa Kanya at tumatalima sa Kanya, gaya ng pagkalikha Niya sa inyo mismo mula sa inapo ng mga ibang taong bago ninyo noon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba