Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 14)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Sa iba pa kay Allāh ba gagawa ako bilang katangkilik, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, at Siya ay nagpapakain at hindi pinakakain?” Sabihin mo: “Tunay na ako ay inutusan na maging una sa nagpasakop [kay Allāh].” Huwag ka ngang magiging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh]. (14)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at iba pa sa mga ito: "Maiisip ba na gagawa ako sa iba pa kay Allāh bilang tagaadya o doon ako magpapaadya samantalang Siya ang lumikha sa mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad at hindi naunahan sa pagkalikha sa mga ito? Siya ay ang tumutustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at walang isa kabilang sa mga lingkod Niya na tumutustos sa Kanya sapagkat Siya ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya samantalang ang mga lingkod Niya ay mga nangangailangan sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay inutusan ng Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya – na maging una sa nagpaakay sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya kabilang sa Kalipunang ito. Sinaway Niya ako na maging kabilang sa mga nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: