Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 150)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Maglahad kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si Allāh ay nagbawal nito, saka kung sumaksi sila ay huwag kang sumaksi kasama sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay habang sila sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa iba].” (150)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh at nag-aangkin na si Allāh ay ang nagbawal niyon: "Magdala kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si Allāh ay nagbawal ng mga bagay na ito na ipinagbawal ninyo." Ngunit kung sumaksi sila nang walang kaalaman na si Allāh ay nagbawal niyon, huwag kang maniwala sa kanila, O Sugo, sa pagsasaksi nila dahil ito ay isang pagsaksi sa kabulaanan. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpapahatol sa mga pithaya nila sapagkat nagpasinungaling nga sila sa mga tanda ni Allāh nang ipinagbawal nila ang ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay samantalang sila sa Panginoon nila ay nagtatambal saka nagpapantay sila sa Kanya sa iba pa sa Kanya. Papaanong sinusunod ang sinumang ito ang saloobin niya sa Panginoon niya?"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: