Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 151)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 151

قُلْ تَعَالَوْا أَتْلُ مَا حَرَّمَ رَبُّكُمْ عَلَيْكُمْ ۖ أَلَّا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا ۖ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا ۖ وَلَا تَقْتُلُوا أَوْلَادَكُمْ مِنْ إِمْلَاقٍ ۖ نَحْنُ نَرْزُقُكُمْ وَإِيَّاهُمْ ۖ وَلَا تَقْرَبُوا الْفَوَاحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ ۖ وَلَا تَقْتُلُوا النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ ۚ ذَٰلِكُمْ وَصَّاكُمْ بِهِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ 151 ١٥١

Sabihin mo: “Halikayo, bibigkas ako ng ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman; sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda; huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dahil sa isang paghihikahos, Kami ay nagtutustos sa inyo at sa kanila; huwag kayong lumapit sa mga malaswa: anumang nalantad mula sa mga ito at anumang nakubli; at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa [legal na] karapatan.” Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa. (151)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Halikayo, bibigkas ako sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo: na magtambal kayo sa Kanya ng anuman kabilang sa mga nilikha Niya; na magpakasutil kayo sa mga magulang ninyo, bagkus kinakailangan sa inyo ang paggawa ng maganda sa kanila; na pumatay kayo ng mga anak ninyo dahilan sa karalitaan gaya ng ginagawa noon ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan, si Allāh ay nagtutustos sa inyo at nagtutustos sa kanila; nagbawal Siya na lumapit kayo sa mga malaswa: anumang inihayag mula sa mga ito at anumang inilihim; at na pumatay kayo ng buhay na ipinagbawal ni Allāh na patayin malibang ayon sa karapatan gaya ng pangangalunya matapos makapag-asawa at pagtalikod sa Islām." Ang nabanggit na iyon ay itinagubilin ni Allāh sa inyo, nang sa gayon kayo ay uunawa sa Kanya sa mga ipinag-uutos Niya at mga sinasaway Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba