Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 156)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 156

أَنْ تَقُولُوا إِنَّمَا أُنْزِلَ الْكِتَابُ عَلَىٰ طَائِفَتَيْنِ مِنْ قَبْلِنَا وَإِنْ كُنَّا عَنْ دِرَاسَتِهِمْ لَغَافِلِينَ 156 ١٥٦

dahil [baka] magsabi kayo: “Pinababa lamang ang kasulatan sa dalawang pangkatin [na mga Hudyo at mga Kristiyano] bago pa namin at tunay na kami noon, sa pag-aaral nila, ay talagang mga nalilingat,” (156)

Tafsīr
upang hindi kayo magsabi, O mga tagapagtambal ng mga Arabe: "Nagbaba lamang si Allāh ng Torah at Ebanghelyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano bago pa namin at hindi Siya nagbaba sa amin ng isang kasulatan. Tunay na kami ay hindi nakaaalam ng pagbigkas ng mga kasulatan nila dahil ang mga ito ay nasa wika nila at hindi nasa wika namin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba