Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 19)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 19

قُلْ أَيُّ شَيْءٍ أَكْبَرُ شَهَادَةً ۖ قُلِ اللَّهُ ۖ شَهِيدٌ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۚ وَأُوحِيَ إِلَيَّ هَٰذَا الْقُرْآنُ لِأُنْذِرَكُمْ بِهِ وَمَنْ بَلَغَ ۚ أَئِنَّكُمْ لَتَشْهَدُونَ أَنَّ مَعَ اللَّهِ آلِهَةً أُخْرَىٰ ۚ قُلْ لَا أَشْهَدُ ۚ قُلْ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ وَإِنَّنِي بَرِيءٌ مِمَّا تُشْرِكُونَ 19 ١٩

Sabihin mo: “Aling bagay ang pinakamalaki sa pagsasaksi?” Sabihin mo: “Si Allāh ay saksi sa pagitan ko at ninyo. Ikinasi sa akin ang Qur’ān na ito upang magbabala ako sa inyo nito at sa sinumang naabot nito. Tunay na kayo ba ay talagang sumasaksi na may kasama kay Allāh na mga ibang diyos?” Sabihin mo: “Hindi ako sumasaksi.” Sabihin mo: “Siya ay nag-iisang Diyos lamang at tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo [sa Kanya].” (19)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagpapasinungaling sa iyo: "Aling bagay ang pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsasaksi sa katapatan ko?" Sabihin mo: "Si Allāh ay pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsaksi sa katapatan ko. Siya ay Saksi sa pagitan ko at ninyo. Nakaaalam Siya sa anumang inihatid ko sa inyo at anumang tatanggihan ninyo. Nagkasi nga si Allāh sa akin ng Qur'ān na ito upang magpangamba ako sa inyo nito at magpangamba ako nito sa sinumang inabot nito na tao at jinn. Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay sumasampalataya na kasama kay Allāh ay may mga sinasambang iba pa. Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumasaksi sa kinikilala ninyo dahil sa kabulaanan nito. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang: walang katambal sa Kanya. Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa bawat itinatambal ninyo kasama sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba