Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 31

قَدْ خَسِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِلِقَاءِ اللَّهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمُ السَّاعَةُ بَغْتَةً قَالُوا يَا حَسْرَتَنَا عَلَىٰ مَا فَرَّطْنَا فِيهَا وَهُمْ يَحْمِلُونَ أَوْزَارَهُمْ عَلَىٰ ظُهُورِهِمْ ۚ أَلَا سَاءَ مَا يَزِرُونَ 31 ٣١

Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay Allāh; hanggang sa nang dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan ay nagsabi sila: “O panghihinayang namin dahil sa nagpabaya kami kaugnay rito,” habang sila ay nagdadala ng mga pasanin nila sa mga likod nila. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila! (31)

Tafsīr
Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa Pagkabuhay sa Araw ng Pagbangon at nagturing na malayong mangyari ang pagtayo sa harap ni Allāh, na hanggang sa kapag dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan nang walang nauunang kaalaman ay magsasabi sila dala ng tindi ng pagsisisi: "O talagang panghihinayang namin at kabiguan ng pag-asa namin dahil nagkulang kami sa nauukol kay Allāh dala sa kawalang-pananampalataya sa Kanya at kawalan ng paghahanda para sa Araw ng Pagkabuhay," habang sila ay nagdadala ng mga masagwang gawa nila sa ibabaw ng mga likod nila. Pansinin, kay pangit ang pinapasan nila mula sa mga masagwang gawang iyon!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba