Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 35)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 35

وَإِنْ كَانَ كَبُرَ عَلَيْكَ إِعْرَاضُهُمْ فَإِنِ اسْتَطَعْتَ أَنْ تَبْتَغِيَ نَفَقًا فِي الْأَرْضِ أَوْ سُلَّمًا فِي السَّمَاءِ فَتَأْتِيَهُمْ بِآيَةٍ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَمَعَهُمْ عَلَى الْهُدَىٰ ۚ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْجَاهِلِينَ 35 ٣٥

Kung nangyaring bumigat sa iyo ang pag-ayaw nila saka kung nakaya mo na maghanap ng isang lagusan sa lupa o isang hagdan sa langit para magdala ka sa kanila ng isang tanda, [gawin mo]. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang tinipon Niya sila sa patnubay, kaya huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang. (35)

Tafsīr
Kung nangyaring humirap sa iyo, O Sugo, ang dinaranas mo na pagpapasinungaling nila at pag-ayaw nila sa inihatid mo sa kanila na katotohanan saka kung nakaya mo na humiling ng isang lagusan sa lupa o isang akyatan sa langit para magdala ka sa kanila ng isang katwiran at isang patotoo, na iba pa sa ipinang-alalay ni Allāh sa iyo, ay gawin mo. Kung sakaling niloob ni Allāh ang pagsasama sa kanila sa patnubay na inihatid mo ay talaga sanang ipinagsama Niya sila, subalit Siya ay hindi lumuob niyon dahil sa isang malalim na kasanhian. Kaya naman huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang doon para mauwi ang sarili mo sa mga panghihinayang dahil sila ay hindi sumampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba