Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 38)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa ni ibong lumilipad sa pamamagitan ng mga pakpak nito malibang mga kalipunang mga tulad ninyo. Wala Kaming pinabayaan sa Talaan na anumang bagay. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila kakalapin sila. (38)
Tafsīr
Walang anumang hayop na kumikilos sa ibabaw ng lupa ni ibong lumilipad sa langit malibang mga uring tulad ninyo, O mga anak ni Adan, sa pagkakalikha at pagtutustos. Walang iniwan si Allāh sa Tablerong Pinag-iingatan na anuman malibang pinagtibay Niya. Ang lahat – ang kaalaman sa kanila – ay nasa ganang kay Allāh. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila lamang sa Araw ng Pagbangon titipunin sila para sa pagpapasya ng ihuhusga para gumanti Siya sa bawat isa dahil sa nagiging karapat-dapat dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: