Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 44)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila ay nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng bawat bagay; hanggang sa nang natuwa sila sa ibinigay sa kanila ay dumaklot Kami sa kanila nang biglaan kaya biglang sila ay mga nalulumbay. (44)
Tafsīr
Kaya noong iniwan nila ang ipinangaral sa kanila dala ng katindihan ng karalitaan at karamdaman at hindi nila ginawa ang mga utos ni Allāh, pinainan Niya sila sa pamamagitan ng pagbukas sa mga pinto ng panustos sa kanila at ng pagpapayaman sa kanila matapos ng karalitaan at pinalusog Niya ang mga katawan nila matapos ng karamdaman, na hanggang sa nang dumapo sa kanila ang kawalang-pakundangan at naghari sa kanila ang paghanga sa sarili dahil sa ipinatamasa sa kanila ay dumating naman sa kanila ang parusa Niya nang biglaan kaya biglang sila ay mga nalilito, mga nawawalan ng pag-asa sa inaasam nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: