Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 58

قُلْ لَوْ أَنَّ عِنْدِي مَا تَسْتَعْجِلُونَ بِهِ لَقُضِيَ الْأَمْرُ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۗ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِالظَّالِمِينَ 58 ٥٨

Sabihin mo: “Kung sakaling nasa ganang akin ang [pagdurusang] minamadali ninyo ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin sa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan.” (58)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Kung sakaling nasa ganang akin at nasa hawak ko ang minamadali ninyo na pagdurusa ay talaga sanang nagpababa ako nito sa inyo. Sa sandaling iyon ay pagpapasyahan ang usaping nasa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan kung gaano katagal Siya magpapalugit sa kanila at kung kailan Siya magpaparusa sa kanila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba