Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 5

فَقَدْ كَذَّبُوا بِالْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ ۖ فَسَوْفَ يَأْتِيهِمْ أَنْبَاءُ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ 5 ٥

sapagkat nagpasinungaling nga sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng dati nilang kinukutya. (5)

Tafsīr
Sila – kung umayaw sila sa mga katwirang naglilinaw at mga patotoong hayag na iyon – ay umayaw nga sa higit na maliwanag sapagkat nagpasinungaling nga sila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na Qur'ān. Makikilala nila na ang dati nilang kinukutya kabilang sa inihatid niya sa kanila ay ang katotohanan kapag nakikita nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba