Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 63)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 63

قُلْ مَنْ يُنَجِّيكُمْ مِنْ ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ تَدْعُونَهُ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً لَئِنْ أَنْجَانَا مِنْ هَٰذِهِ لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ 63 ٦٣

Sabihin mo: “Sino ang nagliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo [nang hayagan] sa Kanya dala ng pagpapakumbaba at palihim [na nagsasabi]: “Talagang kung paliligtasin Niya kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat.” (63)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sino ang sasagip sa inyo at magliligtas sa inyo mula sa mga kapapahamakan na nakatatagpo ninyo sa mga kadiliman ng katihan at dagat? Dumadalangin kayo sa Kanya lamang habang mga nagpapakaaba na nagpapakababa nang palihim at hayagan, [na nagsasabi]: "Talagang kung magbibigay-kaligtasan sa amin ang Panginoon namin mula sa mga kapapahamakang ito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya sa amin sa pamamagitan ng hindi namin pagsamba sa iba sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba