Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 7

وَلَوْ نَزَّلْنَا عَلَيْكَ كِتَابًا فِي قِرْطَاسٍ فَلَمَسُوهُ بِأَيْدِيهِمْ لَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ 7 ٧

Kung sakaling nagbaba Kami sa iyo ng isang aklat na nasa isang kalatas saka humipo sila nito ng mga kamay nila ay talaga sanang nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.” (7)

Tafsīr
Kung sakaling nagbaba Kami sa iyo, O Sugo, ng isang aklat na nakasulat sa mga papel at nakasaksi sila rito sa pamamagitan ng mga mata nila at nakatiyak sila rito sa pamamagitan ng pagkadama nila sa aklat sa pamamagitan ng mga kamay nila, talagang hindi sila sumampalataya rito dala ng isang pagtanggi mula sa kanila at isang pagkayamot, at talaga sanang nagsabi sila: "Hindi lumampas ang inihatid mo sa pagiging isang panggagaway na maliwanag kaya hindi kami sasampalataya rito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba