Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 84)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagkaloob Kami sa kanya kina Isaac at Jacob, na sa bawat isa ay nagpatnubay Kami. Kay Noe ay nagpatnubay Kami bago pa niyan at sa kabilang sa mga supling niyang sina David, Solomon, Job, Jose, Moises, at Aaron. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda. (84)
Tafsīr
Nagkaloob Kami kay Abraham ng anak niyang si Isaac at apo niyang si Jacob. Nagtuon Kami sa bawat isa sa kanilang dalawa tungo sa landasing tuwid at nagtuon Kami kay Noe bago pa nila. Nagtuon Kami tungo sa daan ng katotohanan sa mga supling ni Noe: sa bawat isa kina David at anak niyang si Solomon, kina Job, Jose, at Moises, at kapatid niyang si Aaron – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Tulad ng pagganting ito na iginanti Namin sa mga propeta dahil sa paggawa nila ng maganda, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda na iba pa sa kanila dahil sa paggawa ng mga ito ng maganda.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: