Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 87)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 87

وَمِنْ آبَائِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ وَإِخْوَانِهِمْ ۖ وَاجْتَبَيْنَاهُمْ وَهَدَيْنَاهُمْ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 87 ٨٧

[Nagpatnubay Kami] sa kabilang sa mga ama nila, mga supling nila, at mga kapatid nila. Humirang Kami sa kanila at nagpatnubay Kami sa kanila tungo sa isang landasing tuwid. (87)

Tafsīr
Nagtuon Kami sa ilan sa mga ama nila, ilan sa mga anak nila, at ilan sa mga kapatid nila kabilang sa niloob Namin ang pagtutuon sa kanila. Pinili Namin sila at itinuon Namin sila sa pagtahak sa daang matuwid na siyang daan ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba