Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 8

وَقَالُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ مَلَكٌ ۖ وَلَوْ أَنْزَلْنَا مَلَكًا لَقُضِيَ الْأَمْرُ ثُمَّ لَا يُنْظَرُونَ 8 ٨

Nagsabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel?” Kung sakaling nagpababa Kami sa kanya ng isang anghel ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin, pagkatapos hindi sila palulugitan [para magbalik-loob]. (8)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito: "Kung sakaling nagpababa si Allāh kasama kay Muḥammad ng isang anghel na magsasalita sa amin at sasaksi na siya ay isang sugo, talaga sanang sumampalataya kami." Kung sakaling nagpababa Kami ng isang anghel ayon sa paglalarawan na ninais nila ay talaga sanang nagpahamak Kami sa kanila kapag hindi sila sumampalataya at hindi sila palulugitan para sa pagbabalik-loob kapag bumaba iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba