Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 91)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya noong nagsabi sila: “Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman.” Sabihin mo: “Sino ang nagpababa sa kasulatang ihinatid ni Moises bilang liwanag at patnubay para sa mga tao? Gumagawa kayo roon bilang mga pahina, na naglalantad kayo [ng ilan] nito at nagkukubli kayo ng marami. Tinuruan kayo ng hindi nalaman ninyo ni ng mga magulang ninyo.” Sabihin mo: “Si Allāh [ay nagpababa nito].” Pagkatapos hayaan mo sila sa masamang pagtatalakay nila habang naglalaro sila. (91)
Tafsīr
Hindi dumakila ang mga tagapagtambal kay Allāh nang totoong pagdakila sa Kanya nang nagsabi sila sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman na pagkakasi." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino ang nagpababa ng Torah kay Moises bilang liwanag, kapatnubayan, at paggabay para sa mga tao niya? Inilalagay ito ng mga Hudyo sa mga sinusulatan, na naglalantad sila mula rito ng umaalinsunod sa mga pithaya nila at nagtatago sila ng sumasalungat sa mga iyon gaya ng paglalarawan kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan." Nakaalam kayo mismo, O mga Arabe, mula sa Qur'ān ng hindi ninyo mismo nalaman, ni ng mga ninuno ninyo noong una. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpababa nito si Allāh." Pagkatapos iwan mo sila sa kamangmangan nila at pagkaligaw habang nangungutya sila at nanlalait sila hanggang sa puntahan sila ng kamatayang tiyak.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: