Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 93)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagsabi: “Nagkasi sa akin” samantalang hindi nagkasi sa kanya ng anuman, at sinumang nagsabi: “Magpapababa ako ng tulad sa pinababa ni Allāh.” Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay nila [na nagsasabi]: “Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo! Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo noon ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng hindi totoo at kayo noon sa mga talata Niya [sa Qur’ān] ay nagmamalaki.” (93)
Tafsīr
Walang isang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil nagsabi: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman;" o nagsabi ng isang kasinungalingan: "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa kanya," samantalang si Allāh ay hindi nagkasi sa kanya ng anuman; o nagsabi: "Magpapababa ako ng tulad sa pinababa ni Allāh na Qur'ān." Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag dinadapuan ang mga tagalabag ng katarungan na ito ng hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay ng mga ito sa kanila sa pagpaparusa at paghagupit, na nagsasabi sa kanila bilang panunuligsa: "Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo sapagkat kami ay kukuha ng mga iyan. Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng isang pagdurusang hahamak sa inyo at magpapaaba sa inyo dahilan sa kayo noon ay nagsasabi laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-aangkin ng pagkapropeta, pagkakasi, at pagpapababa ng tulad sa pinababa ni Allāh, at dahilan sa pagkamapagmalaki ninyo laban sa pananampalataya sa mga tanda Niya. Kung sakaling nakakikita ka niyon ay talaga sanang nakakita ka ng isang bagay na kahindik-hindik."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: