Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 97)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 97

وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ النُّجُومَ لِتَهْتَدُوا بِهَا فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ 97 ٩٧

Siya ay ang gumawa para sa inyo ng mga bituin upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga kadiliman ng katihan at karagatan. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam. (97)

Tafsīr
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha para sa inyo, O mga anak ni Adan, ng mga bituin sa langit upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga paglalakbay ninyo kapag nagpalito sa inyo ang mga daan sa katihan at dagat. Nilinaw nga Namin ang mga patunay at ang mga patotoong nagpapatunay sa kakayahan Namin para sa mga taong nagbubulay-bulay sa mga patunay at mga patotoo na iyon kaya makikinabang sila sa mga iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba