Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 98)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 98

وَهُوَ الَّذِي أَنْشَأَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ فَمُسْتَقَرٌّ وَمُسْتَوْدَعٌ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَفْقَهُونَ 98 ٩٨

Siya ay ang nagpaluwal sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa saka [nagbigay ng] isang pinagtitigilan at isang pinaglalagakan [sa sinapupunan]. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umuunawa. (98)

Tafsīr
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, ang kaluluwa ng ama ninyong si Adan, sapagkat nagsimula ang paglikha sa inyo sa paglikha sa ama ninyo mula sa putik. Pagkatapos lumikha Siya sa inyo mula rito. Lumikha Siya para sa inyo ng titigilan ninyo gaya ng mga sinapupunan ng mga ina ninyo at ng isang pinaglalagakan na paglalagakan sa inyo gaya ng mga gulugod ng mga ama ninyo. Nilinaw nga namin ang mga tanda para sa mga taong umiintindi sa Salita ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba