Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagkaroon nga para sa inyo ng isang magandang huwaran sa kay Abraham at sa mga kasama sa kanya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila: “Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh; tumanggi kami sa inyo at lumantad na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh lamang,” maliban sa sabi ni Abraham sa ama niya: “Talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo samantalang hindi ako nakapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. Panginoon namin, sa Iyo kami nanalig, tungo sa Iyo kami nagsisising bumalik [sa pagsisisi at pagtalima], at tungo sa Iyo ang kahahantungan. (4)
Tafsīr
Talaga ngang nagkaroon para sa inyo, O mga mananampalataya, ng isang huwarang maganda sa kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga mananampalataya na naging kasama sa kanya nang nagsabi sila sa mga kababayan nilang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kabilang sa mga anito. Tumanggi kami sa anumang taglay ninyo na relihiyon. Lumitaw na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang pagkasuklam hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh lamang at hindi kayo magtambal sa Kanya ng isa man sapagkat naging kailangan sa inyo na magpawalang-kaugnayan sa mga kababayan ninyong mga tagatangging sumampalataya tulad nila," maliban sa sabi ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niya: "Talagang hihiling nga ako ng kapatawaran para sa iyo mula kay Allāh," ngunit huwag kayong tumulad sa kanya hinggil doon dahil iyon ay bago ng pagkawala ng pag-asa ni Abraham sa ama niya sapagkat hindi ukol sa isang mananampalataya na humiling ng kapatawaran para sa isang tagapagtambal, "at hindi ako makapagtutulak palayo sa iyo ng anuman mula sa pagdurusang dulot ni Allāh. Panginoon namin, sa Iyo kami sumandal sa mga nauukol sa amin sa kabuuan ng mga ito, sa Iyo kami bumalik bilang mga nagbabalik-loob, at sa Iyo ang babalikan sa Araw ng Pagbangon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: