Surah Al-Mumtaḥanah (Ang Susubukin — الممتحنة) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




60 Al-Mumtaḥanah(الممتحنة), Talata 9

إِنَّمَا يَنْهَاكُمُ اللَّهُ عَنِ الَّذِينَ قَاتَلُوكُمْ فِي الدِّينِ وَأَخْرَجُوكُمْ مِنْ دِيَارِكُمْ وَظَاهَرُوا عَلَىٰ إِخْرَاجِكُمْ أَنْ تَوَلَّوْهُمْ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ 9 ٩

Sumasaway lamang sa inyo si Allāh kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo], nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at nagtaguyod sa pagpapalisan sa inyo, na tumangkilik kayo sa kanila. Ang sinumang tumangkilik sa kanila, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. (9)

Tafsīr
Sumasaway lamang sa inyo si Allāh sa mga nakipaglaban sa inyo dahilan sa pananampalataya ninyo, nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at tumulong sa pagpapalayas sa inyo: sumasaway Siya sa inyo na makipagtangkilikan kayo sa kanila. Ang sinumang nakikipagtangkilikan sa kanila kabilang sa inyo, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagsalungat sa utos ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba