Surah Aṣ-Ṣaff (Ang Hanay — الصف) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




61 Aṣ-Ṣaff(الصف), Talata 12

يَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ وَيُدْخِلْكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَمَسَاكِنَ طَيِّبَةً فِي جَنَّاتِ عَدْنٍ ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ 12 ١٢

[Kung gagawin ninyo,] magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ang pagkatamong sukdulan. (12)

Tafsīr
Ang tubo ng pangangalakal na ito ay na magpatawad si Allāh sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at magpapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito at magpapasok Siya sa inyo sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Pamamalagi na walang paglipat palayo sa mga ito. Ang ganting nabanggit na iyon ay ang pagkatamong sukdulan na walang pumapantay na anumang pagkatamo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba