Surah Al-Jumu‘ah (Ang Biyernes — الجمعة) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




62 Al-Jumu‘ah(الجمعة), Talata 10

فَإِذَا قُضِيَتِ الصَّلَاةُ فَانْتَشِرُوا فِي الْأَرْضِ وَابْتَغُوا مِنْ فَضْلِ اللَّهِ وَاذْكُرُوا اللَّهَ كَثِيرًا لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ 10 ١٠

Kaya kapag natapos ang pagdarasal ay magsikalat kayo sa lupain, maghangad kayo mula sa kabutihang-loob ni Allāh, at mag-alaala kayo kay Allāh nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (10)

Tafsīr
Kaya kapag natapos ninyo ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magsikalat kayo sa lupain sa paghahanap ng kitang ipinahihintulot at ng pagtugon sa mga pangangailangan ninyo, maghanap kayo ng kabutihang-loob ni Allāh sa pamamagitan ng kitang ipinahihintulot at tubong ipinahihintulot, at mag-alaala kayo nang madalas na pag-alaala kay Allāh sa sandali ng paghahanap ninyo ng panustos, at huwag magpalimot sa inyo sa pag-alaala kay Allāh ang paghahanap ninyo ng panustos, sa pag-asa na magtamo ng naiibigan ninyo at maligtas mula sa pinangingilabutan ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba