Surah Al-Jumu‘ah (Ang Biyernes — الجمعة) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




62 Al-Jumu‘ah(الجمعة), Talata 11

وَإِذَا رَأَوْا تِجَارَةً أَوْ لَهْوًا انْفَضُّوا إِلَيْهَا وَتَرَكُوكَ قَائِمًا ۚ قُلْ مَا عِنْدَ اللَّهِ خَيْرٌ مِنَ اللَّهْوِ وَمِنَ التِّجَارَةِ ۚ وَاللَّهُ خَيْرُ الرَّازِقِينَ 11 ١١

Ngunit nang [minsang] nakakita sila ng isang pangangalakal o isang paglilibangan ay nagkahiwa-hiwalay sila patungo roon at umiwan sila sa iyo na nakatayo. Sabihin mo: “Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti kaysa sa paglilibangan at [higit na mabuti] kaysa sa pangangalakal. Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos.” (11)

Tafsīr
Nang nakita ang ilan sa mga Muslim sa isang pangangalakal o isang paglilibangan ay nagkawatak-watak sila habang pumupunta roon at umiwan sila sa iyo, O Sugo, na nakatayo sa mimbar. Sabihin mo, O Sugo: "Ang nasa ganang kay Allāh na ganti sa gawang maayos ay higit na mabuti kaysa sa pangangalakal at paglilibangan na pinuntahan ninyo. Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba