Surah Al-Munāfiqūn (Ang mga Mapagkunwari — المنافقون) (Talata 5)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag sinabi sa kanila: “Halikayo, hihingi ng tawad [mula kay Allāh] para sa inyo ang Sugo ni Allāh,” ay nag-iiling-iling sila ng mga ulo nila at nakakikita ka sa kanila na sumasagabal habang sila ay mga nagmamalaki. (5)
Tafsīr
Kapag sinabi sa mga mapagpaimbabaw na ito: "Halikayo sa Sugo ni Allāh bilang mga humihingi ng paumanhin sa namutawi sa inyo, hihiling siya mula Allāh para sa inyo ng kapatawaran para sa mga pagkakasala ninyo," ay nagkikiling sila ng mga ulo nila bilang pangungutya at bilang panunuya, at nakakikita ka sa kanila na umaayaw sa ipinag-uutos sa kanila habang sila ay mga nagmamalaki palayo sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapasakop dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: