Surah At-Taghābun (Ang Pandaraya — التغابن) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




64 At-Taghābun(التغابن), Talata 1

يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 1 ١

Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa; sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. (1)

Tafsīr
Nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh at nagpapabanal sa Kanya sa bawat anumang hindi nababagay sa Kanya na mga katangian ng kakulangan ang bawat anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa na mga nilikha. Sa Kanya lamang ang paghahari kaya walang haring iba pa sa Kanya at ukol sa Kanya ang pagbubunying maganda. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba