Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ba sumapit sa inyo ang ulat hinggil sa mga tumangging sumampalataya bago pa niyan? Kaya lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila, at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (5)
Tafsīr
Hindi ba sumapit sa inyo, O mga tagapagtambal, ang ulat hinggil sa mga kalipunang tagapasinungaling bago pa ninyo, tulad ng mga kababayan ni Noe, ng [liping] `Ād, [liping] Thamūd at iba pa sa kanila? Kaya lumasap sila ng parusa sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit. Oo; sumapit nga sa inyo iyon, kaya magsaalang-alang kayo sa kinauwian ng lagay nila, saka magbalik-loob kayo kay Allāh bago dumapo sa inyo ang dumapo sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: