Surah At-Taghābun (Ang Pandaraya — التغابن) (Talata 6)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




64 At-Taghābun(التغابن), Talata 6

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُ كَانَتْ تَأْتِيهِمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَقَالُوا أَبَشَرٌ يَهْدُونَنَا فَكَفَرُوا وَتَوَلَّوْا ۚ وَاسْتَغْنَى اللَّهُ ۚ وَاللَّهُ غَنِيٌّ حَمِيدٌ 6 ٦

Iyon ay dahil noon ay nagdadala sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay ngunit nagsabi sila: “Mga tao ba ang papatnubay sa amin?” Kaya tumanggi silang sumampalataya, tumalikod sila, at nagwalang-halaga si Allāh [sa pagtalima nila]. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri. (6)

Tafsīr
Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahilan sa noon ay nagdadala sa kanila ang mga sugo nila mula sa ganang kay Allāh ng mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag, ngunit nagsabi sila habang mga nagmamalaki [sa pangungutya] na ang mga sugo ay naging kabilang sa lahi ng sangkatauhan: "Mga tao ba ang gagabay sa amin tungo sa katotohanan?" Kaya tumanggi silang sumampalataya at umayaw sila sa pagsampalataya sa kanila, ngunit hindi sila nakapinsala kay Allāh ng anuman. Nagwalang-halaga si Allāh sa pananampalataya nila at pagtalima nila dahil ang pagtalima nila ay hindi nakadaragdag sa Kanya ng anuman. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, na hindi nangangailangan sa mga lingkod Niya, na Pinapupurihan sa mga sinasabi Niya at mga ginagawa Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba