Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O Propeta, kapag magdidiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa para sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila, magbilang kayo ng panahon ng paghihintay, at mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag kayong magpalisan sa kanila sa mga bahay [ng mga asawa] nila at hindi sila lilisan [sa panahon ng paghihintay] maliban na makagawa sila ng isang mahalay na naglilinaw. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang lalabag sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya. Hindi ka nakababatid marahil si Allāh ay magpangyari matapos niyon ng isang bagay [para magbalikan]. (1)
Tafsīr
O Propeta, kapag nagnais ka mismo o nagnais ang isa kabilang sa kalipunan mo ng diborsiyo sa maybahay niya ay magdiborsiyo siya rito sa simula ng panahon ng paghihintay (`iddah) nito sa pamamagitan ng [pagsasagawa sa] diborsiyo sa [panahon ng] kawalang-regla, na hindi siya nakipagtalik rito sa panahong iyon. Ingatan ninyo ang panahon ng paghihintay upang makagawa kayo ng pakikipagbalikan sa mga maybahay ninyo sa loob ng panahong iyon kung nagnais kayo ng pakikipagbalikan sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Huwag kayong magpalisan sa mga diniborsiyo ninyo mula sa mga bahay na pinaninirahan nila at hindi sila lilisan mismo hanggang sa magwakas ang panahon ng paghihintay nila maliban na nakagawa sila ng isang mahalay na lantad tulad ng pangangalunya. Ang mga patakarang iyon ay ang mga hangganan ni Allāh na itinakda Niya para sa mga lingkod Niya. Ang sinumang lumalampas sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya yayamang naghatid siya rito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagsuway niya sa Panginoon niya. Hindi ka nakaaalam, O nagdiborsiyo, marahil si Allāh ay magpangyari matapos ng diborsiyong iyon ng isang bagay na hindi mo inaasahan para makipagbalikan ka sa kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: