Surah At-Taḥrīm (Ang Pagbabawal — التحريم) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




66 At-Taḥrīm(التحريم), Talata 10

ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ كَفَرُوا امْرَأَتَ نُوحٍ وَامْرَأَتَ لُوطٍ ۖ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَالِحَيْنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ اللَّهِ شَيْئًا وَقِيلَ ادْخُلَا النَّارَ مَعَ الدَّاخِلِينَ 10 ١٠

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming maaayos ngunit nagtaksil silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa mula kay Allāh ng anuman. Sasabihin: “Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok.” (10)

Tafsīr
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa para sa mga tumangging sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, na ang kaugnayan nila sa mga mananampalataya ay hindi magpapakinabang sa anumang kalagayan. [Ang paghahalimbawa ay] sa mga maybahay ng dalawang propetang kabilang sa mga propeta ni Allāh na sina Noe at ni Lot – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan. Ang dalawang babae noon ay mga maybahay ng dalawang lingkod na maaayos. Ngunit nagtaksil silang dalawa sa mga asawa nilang dalawa dahil sa ginagawa nilang dalawa noon na pagsagabal sa landas ni Allāh at pakikipag-adya sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipi nilang dalawa. Kaya hindi nagpakinabang sa kanilang dalawa ang kanilang pagiging mga maybahay para sa dalawang lingkod na maayos na ito. Sasabihin sa kanilang dalawa: "Pumasok kayong dalawa sa Apoy kabilang sa kabuuan ng mga papasok doon kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba