Surah At-Taḥrīm (Ang Pagbabawal — التحريم) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




66 At-Taḥrīm(التحريم), Talata 12

وَمَرْيَمَ ابْنَتَ عِمْرَانَ الَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهِ مِنْ رُوحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمَاتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِ وَكَانَتْ مِنَ الْقَانِتِينَ 12 ١٢

[Naglahad ng isang paghahalimbawa] kay Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya, kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin [na si Anghel Gabriel]. Nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito at siya noon ay kabilang sa mga masunurin [sa Panginoon]. (12)

Tafsīr
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa, para sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, sa kalagayan ni Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya laban sa pangangalunya. Kaya nag-utos si Allāh kay Anghel Gabriel na umihip doon [sa bulsa ng baro ni Maria] kaya ipinagbuntis nito, dahil sa kakayahan ni Allāh, si Jesus na anak ni Maria, nang walang ama. Nagpatotoo si Maria sa mga batas ni Allāh at sa mga kasulatan Nito na ibinaba sa mga sugo Nito. Siya noon ay kabilang sa mga tumatalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba