Surah At-Taḥrīm (Ang Pagbabawal — التحريم) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




66 At-Taḥrīm(التحريم), Talata 3

وَإِذْ أَسَرَّ النَّبِيُّ إِلَىٰ بَعْضِ أَزْوَاجِهِ حَدِيثًا فَلَمَّا نَبَّأَتْ بِهِ وَأَظْهَرَهُ اللَّهُ عَلَيْهِ عَرَّفَ بَعْضَهُ وَأَعْرَضَ عَنْ بَعْضٍ ۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِ قَالَتْ مَنْ أَنْبَأَكَ هَٰذَا ۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ الْعَلِيمُ الْخَبِيرُ 3 ٣

[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya [na si Ḥafṣah] ng isang napag-usapan, saka noong nagsabalita ito hinggil doon [kay`Ā’ishah] at naglantad naman niyon si Allāh sa kanya, nagbigay-alam siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala siya sa ibang bahagi. Kaya noong nagsabalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: “Sino ang nagbalita sa iyo nito?” Nagsabi siya: “Nagsabalita sa akin [si Allāh,] ang Maalam, ang Mapagbatid.” (3)

Tafsīr
Banggitin mo nang nagtangi ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kay Ḥafṣah ng isang ulat. Bahagi nito ay na siya ay hindi lalapit sa alipin niyang si Maria. Kaya noong nagpabatid si Ḥafṣah kay `Ā'ishah hinggil sa ulat at nagpaalam naman si Allāh sa Propeta Niya tungkol sa pagpapakalat ng lihim niya, pinagalitan niya si Ḥafṣah saka bumanggit siya rito ng isang bahagi mula sa binanggit nito at nanahimik siya tungkol sa ibang bahagi. Kaya nagtanong ito sa kanya: "Sino ang nagpabatid sa iyo nito?" Nagsabi naman siya: "Nagpabatid sa akin ang Maalam sa bawat bagay, ang Mapagbatid sa bawat nakakubli."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba