Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapagpasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagapagbalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen. (5)
Tafsīr
Marahil ang Panginoon ng Propeta – kaluwalhatian sa Kanya – kung nagdiborsiyo siya sa inyo ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing nagpapaakay sa utos niya, mga babaing mananampalataya kay Allāh at sa Sugo, mga babaing tagatalima kay Allāh, mga babaing tagapagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nila, mga babaing mananamba sa Panginoon nila, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen hindi nakatalik ng iba pa sa kanya; subalit hindi siya nagdiborsiyo sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: