Surah At-Taḥrīm (Ang Pagbabawal — التحريم) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




66 At-Taḥrīm(التحريم), Talata 8

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا تُوبُوا إِلَى اللَّهِ تَوْبَةً نَصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُكَفِّرَ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَيُدْخِلَكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يَوْمَ لَا يُخْزِي اللَّهُ النَّبِيَّ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ ۖ نُورُهُمْ يَسْعَىٰ بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَانِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا أَتْمِمْ لَنَا نُورَنَا وَاغْفِرْ لَنَا ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 8 ٨

O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh sa isang pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi magpapahiya si Allāh sa Propeta at mga sumampalataya kasama sa kanya. Ang liwanag nila ay sisinag sa harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: “Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.” (8)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, magbalik-loob kayo kay Allāh, mula sa mga pagkakasala ninyo, sa isang pagbabalik-loob na tapat. Marahil ang Panginoon ninyo ay magbubura para sa inyo ng mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito ang mga ilog sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na hindi mang-aaba si Allāh sa Propeta at hindi Siya mang-aaba sa mga sumampalataya kasama nito sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy. Ang liwanag nila ay sisinag sa harapan nila at sa mga kanang kamay nila sa Landasin, habang nagsasabi: "O Panginoon namin, buuhin Mo para sa amin ang liwanag namin hanggang sa makapasok kami sa Paraiso para hindi kami maging tulad ng mga mapagpaimbabaw na naaapula ang liwanag nila sa Landasin at magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan sapagkat hindi Ka nawawalang-kakayahan sa pagbuo ng liwanag namin at pagpapalampas sa mga pagkakasala namin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba