Surah At-Taḥrīm (Ang Pagbabawal — التحريم) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




66 At-Taḥrīm(التحريم), Talata 9

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنَافِقِينَ وَاغْلُظْ عَلَيْهِمْ ۚ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ 9 ٩

O Propeta [Muḥammad], makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at magpakabagsik ka sa kanila [sa digmaan]. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan! (9)

Tafsīr
O Sugo, makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng tabak at sa mga mapagpaimbabaw sa pamamagitan ng dila at pagpapatupad ng mga takdang parusa, at magpakatindi ka sa kanila upang magpakundangan sila sa iyo. Ang kanlungan nila na kakanlungan nila sa Araw ng Pagbangon ay ang Impiyerno. Kay sagwa bilang kahahantungan ang kahahantungan nila na uuwian nila!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba