Surah Al-Mulk (Ang Paghahari — الملك) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




67 Al-Mulk(الملك), Talata 23

قُلْ هُوَ الَّذِي أَنْشَأَكُمْ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۖ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ 23 ٢٣

Sabihin mo: “Siya ay ang nagpaluwal sa inyo at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!” (23)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito: "Si Allāh ay ang lumikha sa inyo at gumawa para sa inyo ng mga pandinig na ipinandidinig ninyo, mga paningin na ipinantitingin ninyo, at mga pusong ipinang-uunawa ninyo. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo sa mga biyaya Niya na ibiniyaya Niya sa inyo!"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba