Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 105)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 105

حَقِيقٌ عَلَىٰ أَنْ لَا أَقُولَ عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ قَدْ جِئْتُكُمْ بِبَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ فَأَرْسِلْ مَعِيَ بَنِي إِسْرَائِيلَ 105 ١٠٥

Karapat-dapat na hindi ako magsabi tungkol kay Allāh malibang ng totoo. Nagdala nga ako sa inyo ng isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo kaya ipadala mo kasama sa akin ang mga anak ni Israel. (105)

Tafsīr
Nagsabi si Moises: "Yayamang ako ay naging isang isinugo mula sa Kanya, ako ay karapat-dapat na hindi magsabi tungkol sa Kanya maliban ng totoo. Naghatid nga ako sa inyo ng isang katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ko at na ako ay isang isinugo sa inyo mula sa Panginoon ko, kaya palayain mo kasama ko ang mga anak ni Israel mula sa dati nilang lagay na pagkabihag at pagkasinisiil."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba