Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 11

وَلَقَدْ خَلَقْنَاكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَاكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ لَمْ يَكُنْ مِنَ السَّاجِدِينَ 11 ١١

Talaga ngang lumikha Kami sa inyo. Pagkatapos nag-anyo Kami sa inyo. Pagkatapos nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas; hindi siya naging kabilang sa mga nagpapatirapa. (11)

Tafsīr
Talaga ngang nagpaluwal Kami, O mga tao, sa ama ninyong si Adan. Pagkatapos nag-anyo Kami sa kanya sa pinakamagandang anyo at pinakamagandang paghuhubog. Pagkatapos nag-utos Kami sa mga anghel ng pagpapatirapa kay Adan bilang pagpaparangal sa kanya. Kaya sumunod sila at nagpatirapa sila maliban si Satanas; tumanggi ito na magpatirapa dala ng pagkamapagmalaki at pagmamatigas.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba