Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi si Moises sa mga tao niya: “Magpatulong kayo kay Allāh at magtitiis kayo. Tunay na ang lupa ay sa kay Allāh; nagpapamana Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang mabuting kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.” (128)
Tafsīr
Nagsabi si Moises habang nagtatagubilin sa mga tao niya: "O mga kalipi, humingi kayo ng tulong mula kay Allāh lamang sa pagtaboy ng kapinsalaan palayo sa inyo at pagtamo ng pakinabang patungo sa inyo. Magtitiis kayo sa dinaranas ninyo na pagsusulit sapagkat tunay na ang lupa ay sa kay Allāh lamang at hindi sa kay Paraon ni sa iba pa sa kanya para magdomina rito. Si Allāh ay nagpapalipat-lipat nito sa pagitan ng mga tao alinsunod sa kalooban niya, ngunit ang magandang kinahihinatnan sa lupa ay ukol sa mga mananampalatayang sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa mga sinasaway Niya. Ito ay ukol sa kanila kahit pa tumama sa kanila ang anumang tumama sa kanila na mga pagsubok at mga pagsusulit."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: